U.S. flag

An official website of the United States government

Skip Header


For Immediate Release: Tuesday, June 14, 2022

Kawanihan ng Senso Maglalabas ng mga Bagong Tantiya ng Populasyon Ayon sa Edad, Kasarian, Lahi at Hispanikong Pinagmulan

Press Release Number CB22-103 Tagalog

HUNYO 14, 2022 — Ang Kawanihan ng Senso ng U.S. ay maghahandog ng dalawang-araw na embargo na matingnan ng mga miyembro ng media ang tantiya ng populasyon ng Vintage 2021  para sa bansa, mga estado at mga county ayon sa edad, kasarian, lahi at Hispanikong pinagmulan, at para sa Puerto Rico at mga munisipalidad nito ayon sa edad at kasarian. 

Kailan:

Martes, Hunyo 28 sa ganap na 10 a.m. EDT hanggang Huwebes, Hunyo 30 sa ganap na 12:01 a.m. EDT.

Saan:

Site ng embargo ng Kawanihan ng Senso. 

Mga kahilingan para sa panayam:

Ang mga subscriber ng embargo ay maaaring kapanayamin ang mga eksperto sa Kawanihan ng Senso sa panahon ng embargo. Upang humiling ng panayam, mag-email sa amin sa <pio@census.gov>.

Makakuha ng access sa embargo ng media:

Bisitahin ang site ng embargo upang magparehistro para maka-access.

Hindi ka maaaring maglathala, magbrodkast o mag-post ng impormasyong naka-embargo online, magpamahagi nito sa pamamagitan ng mga serbisyong wire o pamamahagi, o ibahagi ito sa mga miyembrong hindi naka-embargo hanggang sa petsa at oras ng paglalabas sa publiko, sa Hunyo 30 sa ganap na 12:01 a.m. EDT.

Ang mga subscriber ng embargo ay hinihikayat na kumpirmahin na ang kanilang login username at password ay up to date bago noong Hunyo 28. Para sa tulong, mag-email sa amin sa <pio@census.gov>.

###

Contact


Jewel Jordan
Opisina ng Pampublikong Impormasyon
301-763-3030 or
877-861-2010 (U.S. and Canada only)
pio@census.gov

Page Last Revised - August 2, 2022
Is this page helpful?
Thumbs Up Image Yes Thumbs Down Image No
NO THANKS
255 characters maximum 255 characters maximum reached
Thank you for your feedback.
Comments or suggestions?

Top

Back to Header