U.S. flag

An official website of the United States government

Skip Header


For Immediate Release: Thursday, May 19, 2022

Inilabas ng Kawanihan ng Senso ng U.S. ang mga Antas ng Kulang at Labis na Bilang ayon sa Estado at District of Columbia.

Press Release Number CB22-CN.08 Tagalog

Makukuha rin ang mga Antas ng Saklaw ng Operasyon ng Senso para sa Bansa

MAY 19, 2022 — Inilabas ngayong araw ng Kawanihan ng Senso ng U.S. ang mga tinantiyang kulang at sobrang bilang sa 2020 Senso ayon sa estado at District of Columbia mula sa Survey Pagkatapos ng Pagbilang (PES , ayon sa akronimang Ingles). Inilabas din ngayong araw ang mga tinantiyang antas ng saklaw ng operasyon ng senso. Kabilang dito ang mga antas ng saklaw na ayon sa paraan ng sariling pagsagot, at ayon sa uri ng tagasagot sa operasyon ng pag-follow-up sa hindi pagsagot.

"Ang paglabas ng mga tantiyang ito ng PES ay tumutulong sa aming maunawaan kung gaano kami naging kahusay sa dekadang ito, sa bawat estado, sa aming mga pagsusumikap na bilangin ang bawat isa sa Estados Unidos," wika ng Direktor ng Kawanihan ng Senso na si Robert L. Santos. "Kritikal na aspeto ng siyentipikong integridad ang kalinawan. Kung kaya inilalabas namin ang mga resultang ito sa publiko. Ang aming mga pagtatasa – kabilang ang mga tagapagpahiwatig ng kalidad ng 2020 Senso, at ang PES at ang Pagsusuri sa Demograpiya na inilabas sa unang bahagi ng taong ito – ay naghahandog ng mahahalagang pananaw sa kalidad ng mga pagbilang sa 2020 Senso. Bagaman walang iisa sa mga pagtatasa ang maaaring ituring na tiyak dahil walang "totoong bilang" ang populasyon umiiral, iminumungkahi sa mga resulta ng PES sa kasalukuyan na ilang estado ay nakaranas ng kulang o sobrang pagbilang."

Ipinapakita sa mga tantiya ng PES kung gaano kahusay binilang ng 2020 Senso ang bawat isa sa bansa sa pamamagitan ng paglikha ng malayang pagtantiya sa bilang ng mga taong naninirahan sa Estados Unidos noong Abril 1, 2020 (hindi kasama ang mga taong nasa mga grupong tirahan, gaya ng mga tirahan na may taga-alaga o mga dormitoryo sa kolehiyo, at mga taong nasa Malayong Lugar sa Alaska), pag-survey sa isang sampol ng mga taong nasa mga sambahayan (mga magkakasama sa tirahan) sa Estados Unidos at pagtugma ng mga sagot na iyon sa kanilang mga rekord sa 2020 Senso.

"Ang pagsasakatuparan ng wastong bilang para sa lahat ng 50 estado at DC ay laging isang mahirap na adhikain, at iminumungkahi sa resultang ito na mas mahirap noong 2020, partikular na dahil sa mga wala pang katulad na hamon na ating kinaharap." dagdag ni Santos. "Mahalagang matandaan na ang kalidad ng bilang ng kabuuang populasyon ng 2020 Senso ay matatag at naaayon sa mga senso kamakailan. Ngunit, alam nating marami pang kailangang gawin pagdating sa pagpaplano ng mga senso sa hinaharap upang matiyak ang may ekidad na saklaw sa buong Estados Unidos at nagsusumikap kaming malampasan ang anuman at lahat ng hadlang upang makamit ang mithiing iyon."

Kabilang sa paglabas na ito ang:

  • Mga tantiya ng kulang at labis na pagbilang para sa mga estado, District of Columbia (katumbas ng estado) at mga rehiyon.
  • Mga bahagi ng saklaw ayon sa estado at District of Columbia upang matantiya ang mga proporsyon ng mga rekord ng senso na tama, mali, o kung saan wala kaming sapat na impormasyon upang matiyak sa anumang paraan. Kabilang sa mga ito ang mga tamang pagbilang, mga pagtatalaga ng buong bilang sa tao, at mga omisyon.
  • Mga pambansang bahagi ng saklaw ng senso: Mga tama o maling pagbilang at mga pagtatalaga ng buong bilang sa tao ng operasyon at paraan ng senso, kabilang ang sariling pagsagot na ayon sa paraan (internet, telepono, papel) at pag-follow-up sa hindi pagsagot na ayon sa uri ng pagbilang.

Mga pangunahing natuklasan:

  • 37 estado (o katumbas ng estado) ay walang tinantiyang malaking kakulangan o kalabisan sa pagbilang na ayon sa estadistika.
  • 14 na estado (o katumbas ng estado) ay tinantiyang nagkaroon ng kakulangan o kalabisan sa pagbilang – isang netong error sa saklaw na naiiba sa zero ayon sa estadistika – ibig sabihin, naging labis o kulang ang pagbilang sa mga ito.
    • Kakulangan sa Pagbilang: Arkansas (-5.04%), Florida (-3.48%), Illinois (-1.97%), Mississippi (-4.11%), Tennessee (-4.78%) at Texas (-1.92%).
    • Kalabisan sa Pagbilang: Delaware (+5.45%), Hawaii (+6.79%), Massachusetts (+2.24%), Minnesota (+3.84%), New York (+3.44%), Ohio (+1.49%), Rhode Island (+5.05%) at Utah (+2.59%).
    • Bisitahin ang biswalisasyon ng data para makita ang saklaw para sa lahat ng estado at District of Columbia.
    • Tingnan ang Apendise Talahanayan 3 sa pahina 16 ng ulat ng PES para sa mga tantiya ng PES noong 2010 at 2020 bilang sanggunian. Ngunit, mahalagang matandaan na napahusay namin ang mga paraang ginagamit namin upang tantiyahin ang mga netong error sa saklaw sa antas na pang-estado sa 2020 at ang mga palugit ng error nito. Ang mga pagpapahusay na ito ay idinisenyo upang mabawasan ang pagkiliing ng mga tantiya ng saklaw ng estado at masukat nang mas wasto ang error ng pagsasampol sa mga tantiya. Iyon ay nangangahulugang anumang naturang paghahambing ng mga tantiya ay napapailalim sa dalawang magkaibang pinagmumulan ng error at kawalan ng katiyakan, at habang nagpapabatid, ang paghahambing ay hindi maaaring ituring na tiyak. Tatalakayin namin nang mas detalyado ang pamamaraan ng 2020 PES sa Pahayag ng Pinagmulan at Kawastuan.
  • Tingnan ang Ulat ng Pagtatantiya sa Survey Pagkatapos ng Pagbilang para sa kumpletong listahan ng mga tantiya ng 2020 PES, pati na rin ang mga kaukulang pagsukat ng kawalan ng katiyakan sa mga tantiya ng PES. Para sa bawat tantiya, nagbibigay kami ng sukat ng error ng pagsasampol na sumasalamin sa hanay ng mga posibleng halaga dahil ang tantiya ay nakabatay sa sampol ng survey.
  • Nagkaroon ng tinantiyang kulang/labis na pagbilang sa rehiyon sa Katimugan (1.85%) at tinantiyang kulang/labis na pagbilang sa rehiyon Hilagang-Silangan (1.71%).

"Ang mga resultang ito ay nagbibigay sa atin ng mahalagang pananaw habang pinaplano namin ang mga operasyon at naglalaan ng mga mapagkukunan para sa 2030 Senso," wika ni Santos.

Aasahang magiging limitado ang mga resulta ng PES dahil sa limitadong laki ng mga sampol. Ang mga resulta ay hindi mahahati nang ayon sa mga katangiang pandemograpiya o mga pangheograpikong lugar sa loob ng mga estado. Tandaaan na para sa 2010 PES, hindi rin nailabas ng Kawanihan ng Senso ang mga tantiya ng estado ng saklaw na ayon sa mga grupong pandemograpiya sa loob ng mga estado. Sa sampol na laki para sa 2020 PES at mga pagpapalagay na kailangan upang makagawa ng mga walang kinikilingang substate na tantiya, hindi naisama ng Kawanihan ng Senso ang mga tantiya sa county o lugar sa mga ulat ng 2020 PES.

"Patuloy kong ipinagmamalaki ang mga pagsusumikap ng aming mga tauhang pangkarera at pinahahalagahan ang aming mga kasosyo sa komunidad," dagdag ni Santos. "Ang kanilang pinagsama-samang talento, pagpupursigi at dedikasyon sa aming misyon ay nakapagpahintulot sa aming makamit ang mas mabuting bilang kaysa sa kung ano ang inisip ng marami na posible."

Inilabas ng Kawanihan ng Senso ang mga unang resulta mula sa PES kasama ang mga karagdagang resulta mula sa 2020 Pagsusuring Pandemograpiya (DA, ayon sa akronimang Ingles) noong Marso 10. Ang mga tagapagpahiwatig ng kalidad ng 2020 Senso ay inilabas, simula noong Abril 26, 2021. Sama-sama, ang mga produktong ito ay kumakatawan sa mahahalagang kontribusyon sa pag-unawa sa kalidad ng 2020 Senso at pagpaplano para sa 2030 Senso. Ang unang paglabas sa mga resulta ng PES ay nagbigay ng mga pambansang tantiya ng saklaw na populasyon sa pangkalahatan at ayon sa mga grupong pandemograpiya, gaya ng lahi at Hispanikong pinagmulan, pati na rin ang mga grupo ng edad at kasarian. Kabilang sa mga resulta ng DA ang mga netong pambansang tantiya ng error sa saklaw ayon sa edad at kasarian. At ang mga tagapagpahiwatig ng kalidad ng 2020 Senso ay nagbigay-linaw sa kalidad ng mismong mga operasyon ng 2020 Senso.

Bukod sa paglabas ng ulat sa Mga Tantiya ng Saklaw ng Senso para sa mga Mamamayan ng Estados Unidos ayon sa Estado at mga Operasyon ng Senso, inilabas din ng Kawanihan ng Senso ang teknikal na ulat na naglalarawan sa mga paraan at resulta sa pagtatalaga ng mga katangiang pandemograpiya para sa PES. Makukuha rin ang teknikal na ulat na naglalarawan ng mga paraan at mga resultang ginamit upang mabawasan ang mga error sa hindi pagsagot sa PES para sa mga tantiya sa tao.

Ang natitira sa mga tantiya ng PES, kabilang ang mga resulta para sa mga yunit ng pabahay, at mga antas ng kulang at labis na pagbilang para sa Puerto Rico, ay naka-iskedyul na mailabas sa panahon ng tag-init.

###

Contact


Opisina ng Pampublikong Impormasyon
301-763-3030 or
877-861-2010 (U.S. and Canada only)
pio@census.gov

Page Last Revised - June 1, 2022
Is this page helpful?
Thumbs Up Image Yes Thumbs Down Image No
NO THANKS
255 characters maximum 255 characters maximum reached
Thank you for your feedback.
Comments or suggestions?

Top

Back to Header