U.S. flag

An official website of the United States government

Skip Header


For Immediate Release: Wednesday, April 27, 2022

Susunod na mga Produkto ng Data ng 2020 Senso Ilalabas sa 2023

Press Release Number CB22-CN.06 Tagalog

Kawanihan ng Senso ng U.S. ang mga Update sa Iskedyul para sa Pandemograpikong Profile, File ng mga Katangiang Pandemograpiko at sa Pabahay (DHC) at ang Detalyadong DHC

ABRIL 27, 2022 — Inanunsyo ngayong araw ng Kawanihan ng Senso ng U.S. ang mga nirebisang petsa ng paglalabas ng mga susunod na pangkat ng mga produkto ng data ng 2020 Senso, simula sa paglalabas ng Pandemograpikong Profile, at ng File ng mga Katangiang Pandemograpiko at sa Pabahay (DHC) sa Mayo 2023.

Bukod dito, ang data na dating ipinlano para maisama sa Detalyadong File ng mga Katangiang Pandemograpiko at sa Pabahay (Detalyadong DHC) ay ilalabas na ngayon bilang tatlong magkakahiwalay na produkto, kung saan ang unang produkto ay naka-iskedyul na mailabas sa Agosto 2023 at ang mga iskedyul para sa mga natitirang produkto ay pagpapasyahan pa rin.

Pandemograpiyang Profile at DHC

Pinaplano ng Kawanihan ng Senso na ilabas ang Pandemograpiyang Profile and DHC nang magkasama sa Mayo 2023.

Pansamantalang pinlanong ilabas ng Kawanihan ng Senso ang dalawang produkto sa huling bahagi ng taong ito ngunit iniurong ang petsa sa 2023 dahil kinakailangan ng karagdagang oras ng pagpoproseso at upang magpahintulot ng panahon para ipatupad ang panibago, mas matibay na proteksyon sa kompedensyalidad. Ang nirebisang iskedyul ay nagpapahintulot sa Kawanihan ng Senso na maglaan ng oras na kailangan upang lumikha ng mataas na kalidad na estadistika na inaasahan ng publiko. Higit pang impormasyon tungkol sa pagbabago ng iskedyul ang matatabpuan sa blog na 2020 Census Data Products: Next Steps for Data Releases (Mga Produkto ng Data ng 2020 Senso: Mga Susunod na Hakbang sa mga Paglabas ng Data).

Detalyadong DHC

Bilang pagtugon sa feedback ng gumagamit ng data upang maglathala ng mga bilang ng populasyon ng lahi at etnisidad sa lalong madaling panahon, inanunsyo rin ng Kawanihan ng Senso na ilalabas nito ang mga talahanayang ipinlano para sa Detalyadong DHC sa tatlong magkakahiwalay na produkto ng data.

Ito ay magpapahintulot sa Kawanihan ng Senso na unahin ang paglabas ng mga bilang ng populasyon para sa detalyadong lahi, Hispanikong pinagmulan, mga grupo ng populasyon ng tribo at nayon ng Amerikanong Indian at Katutubong Alaskan, at estadistika ng edad at kasarian para sa mga grupong ito bago mailabas ang mga karagdagang talahanayan na may iba pang mga katangiang tinutukoy bilang Detalyadong produkto ng data ng DHC-A.

Higit pang impormasyon tungkol sa tatlong produkto at pansamantalang timeline para sa pagbuo ng kauna-unahan nito ay mababasa sa blog na Plans for Producing Detailed Racial, Ethnic and Tribal Data from the 2020 Census (Mga Plano para sa Paglikha ng Detalyadong Data ng Lahi, Etnisidad at Tribo mula sa 2020 Senso).

Detalyadong DHC-A – pinlanong ilabas sa Agosto 2023

Ang Detalyadong DHC-A — na pinlanong mailabas sa Agosto 2023 — ay kabibilangan ng mga bilang ng populasyon at estadistika ng kasarian ayon sa edad para sa humigit-kumulang 370 detalyadong grupong panlahi at pang-etnisidad, tulad ng Aleman, Lebanese, Jamaican, Tsino, Katutubong Hawayano at Mehikano, pati na rin ang humigit-kumulang 1,200 detalyadong grupo ng populasyon ng tribo at nayon ng Amerikanong Indian o Katutubong Alaskan, gaya ng Navajo Nation.

Detalyadong DHC-B – pagpapasyahan pa ang paglalabas

Magiging kabilang sa Detalyadong DHC ang uri ng sambahayan (mga magkakasama sa tirahan) at ang impormasyon sa tenure para sa parehong detalyadong grupong panlahi at etnisidad at mga grupo ng populasyon ng tribo at nayon ng Amerikanong Indian o Katutubong Alaskan na binanggit sa itaas para sa DHC-A.

Ang Kawanihan ng Senso ay magbibigay ng iskedyul para sa Detalyadong DHC-B sa tuwing mayroon nito.

Karagdagang-DHC (S-DHC) – pagpapasyahan pa ang paglalabas

Bagaman orihinal na iminungkahi para maisama sa Detalyadong DHC, ang mga talahanayan ng S-DHC ay inilipat sa panibagong produkto ng data batay sa feedback ng gumagamit ng data. Ang mga talahanayan ay sumasalamin sa mga kumplikadong relasyon sa pagitan ng mga katangian ng mga sambahayan (mga magkakasama sa tirahan) at ng taong naninirahan sa mga ito. Tinutukoy ng Kawanihan ng Senso ang mga talahanayang ito bilang "mga kumplikadong talahanayan ng pinagsamang tao-sambahayan (mga magkakasama sa tirahan)" o "mga pinagsamang talahanayan."

Ang Kawanihan ng Senso ay magbibigay ng iskedyul para sa S-DHC sa tuwing mayroon nito.

Feedback ng Gumagamit ng Data

Ang Kawanihan ng Senso ay patuloy na nanghihingi ng feedback mula sa mga gumagamit ng data at patuloy na ia-update ang publiko habang bumubuo at sinusuri namin ang mga setting sa sistema ng pag-iwas sa pagsisiwalat sa mga produktong ito.

DHC

Pinaplano ng Kawanihan ng Senso na maglabas ng isa pang round ng data ng demonstrasyon ng DHC batay sa data ng 2010 Senso para sa feedback ng publiko sa panahong ito ng tag-init.

Sa feedback na ito malalaman ang mga pinal na setting at disenyo ng mga talahanayan ng DHC.

Detalyadong DHC at S-DHC

Ngayong tagsibol at tag-init, ang Kawanihan ng Senso ay patuloy na susuriin at isasama ang feedback mula sa mga gumagamit ng data, kabilang ang posibilidad ng pagdadagdag ng mga tract at lugar sa listahan ng mga mapupuntahang heyograpiya para sa Detalyadong DHC.

Kalaunan sa taong ito, pinaplano ng Kawanihan ng Senso na maglabas ng prototype ng demonstrasyon ng produkto ng data para sa Detalyadong DHC-A gamit ang data ng 2010 Senso at hihingin ang feedback ng publiko. Higit pang impormasyon tungkol sa prototype na ito ang mababasa sa blog na Plans for Producing Detailed Racial, Ethnic and Tribal Data from the 2020 Census (Mga Plano para sa Paglikha ng Detalyadong Data ng Lahi, Etnisidad at Tribo mula sa 2020 Senso).

Higit pang impormasyon tungkol sa mga pinlanong espesipikong talahanayan para sa Detalyadong DHC-A, Detalyadong DHC-B at S-DHC ang matatagpuan sa Planning Crosswalk ng Produkto ng Data ng 2020 Senso.

Patuloy na bibigyan ng Kawanihan ng Senso ang publiko ng update sa page na Tungkol sa mga Produkto ng Data ng 2020 Senso. Ang iskedyul ng impormasyon na inanunsyo sa araw na ito ay naaangkop sa mga produktong pang-estado at ng Puerto Rico.

Malapit nang ianunsyo ng Kawanihan ng Senso ang mga update tungkol sa Mga Produkto ng Data ng Mga 2020 Senso sa Mga Lugar sa Isla.

Walang inilabas na balitang nauugnay sa produktong ito. Tip sheet lamang.

###

Contact


Opisina ng Pampublikong Impormasyon
301-763-3030 or
877-861-2010 (U.S. and Canada only)
pio@census.gov

Page Last Revised - May 12, 2022
Is this page helpful?
Thumbs Up Image Yes Thumbs Down Image No
NO THANKS
255 characters maximum 255 characters maximum reached
Thank you for your feedback.
Comments or suggestions?

Top

Back to Header