An official website of the United States government
Here’s how you know
Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.
Secure .gov websites use HTTPS
A lock (
) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.
SET. 1, 2021 — Ilalabas ng Kawanihan ng Senso ng U.S. ang mga mas madaling magamit na format ng Buod na File ng Data ng Muling Pag-distrito ng 2020 Senso (Pampublikong Batas 94-171) sa Setyembre 16.
Gayundin, sa Setyembre 16, magagamit na ang data sa muling pag-distrito sa pamamagitan ng tool sa pagbahagi ng pangunahing data ng Kawanihan ng Senso, sa data.census.gov (sa Ingles lamang). Maghahatid din ang Kawanihan ng Senso ng madaling gamiting toolkit ng mga DVD at flash drive sa mga opisyal ng estado (state) at pampublikong sangay na responsable para sa lehislatibong pagbabahagi o pag-distrito ng kanilang estado (state).
Ang data na ito — na unang inilabas noong Agosto 12 — ay kasalukuyang magagamit sa legacy na format sa site ng Protocol sa Paglipat ng File (FTP, ayon sa akronimang Ingles) ng Kawanihan ng Senso. Available ang mga data na ito sa pamamagitan ng iba't ibang bisuwalisasyon ng data (sa Ingles lamang).
Makikita ang higit pang impormasyon, kasama ang mga link sa mga bisuwalisasyon ng data, video (sa Ingles lamang) sa pag-access sa data at mga kuwento ng Mga Bilang sa Amerika na tumatalakay sa mahahalagang bahagi ng data sa Press Kit ng File sa Muling Pag-distrito ng 2020 Senso (sa Ingles lamang).
###
Share
Contact
Kristina Barrett
Oficina de Información Pública
301-763-3030 or
877-861-2010 (U.S. and Canada only)
pio@census.gov
Top