An official website of the United States government
Here’s how you know
Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.
Secure .gov websites use HTTPS
A lock (
) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.
MAY 28, 2021 — Ngayong araw, naglabas ang Kawanihan ng Senso ng U.S. ng karagdagang metriks sa kalidad ng operasyon sa 2020 Senso. Ang mga metriks na ito ay nagbibigay ng karagdagang pananaw sa kung paano binilang ang mga yunit ng pabahay at isinama ang impormasyon sa mga okupado at bakanteng yunit ng pabahay at ang laki ng mga okupadong yunit.
Makukuha ang mga metriks sa isang maida-download na talahanayan (sa Ingles lamang) at interaktibong dashboard (sa Ingles lamang).
Ibinibigay ang data para sa bansa, lahat ng 50 estado (states), ang District of Columbia, at Puerto Rico. Ang mga maihahambing na metriks mula sa 2010 Senso ay makukuha rin sa maida-download na talahanayan at interaktibong dashboard.
Inilabas din ng Kawanihan ng Senso ang blog na Metriks sa Kalidad ng Operasyon sa 2020 Senso: Paglalabas 2 (sa Ingles lamang) na nagbibigay ng mga tampok mula sa mga metriks sa araw na ito.
Noong Abril, inilabas ng Kawanihan ng Senso ang unang pangkat ng metriks sa kalidad ng operasyon (sa Ingles lamang), na nagpapakita ng kung paano sumagot ang mga tao sa 2020 Senso, pati na rin ng kung paano isinama ng Kawanihan ng Senso ang mga address na hindi sumagot sa senso.
Patuloy na sinusuri ng Kawanihan ng Senso ang 2020 Senso at maglalabas ng karagdagang metriks sa kalidad at mga pagtatasa sa mga darating na buwan at taon. Ginagamit ng Kawanihan ng Senso ang mga pagtatasang ito upang maghanda at gumawa ng inobasyon para sa 2030 Senso.
Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang aming Kit para sa Kalidad ng Senso at Pagproseso ng Data sa 2020 Senso (sa Ingles lamang) na may kasamang mga materyales mula sa inilabas na balita sa araw na ito.
###
Share
Contact
Veronica Vaquer
Opisina ng Pampublikong Impormasyon
301-763-3030
pio@census.gov
Top