SET. 16, 2021 — Inilabas ngayong araw ng Kawanihan ng Senso ng U.S. ang File ng Buod ng 2020 na Data sa Muling Pagdistrito ng Senso (Pampublikong Batas 94-171) (sa Ingles lamang) sa mga estado (states) at sa publiko sa mas madaling gamitin na format.
Available na ngayon ang data na ito sa data.census.gov. Pareho ang mga ito sa mga inilabas noong Ago. 12 sa site ng Protocol sa Paglilipat ng File (FTP, ayon sa akronimang Ingles) ng Kawanihan ng Senso at sa maraming visualization ng data.
Nagpadala rin ang Kawanihan ng Senso sa mga estado (states) ng madaling gamitin na toolkit ng mga DVD at flash drive na may integrated na browsing software na magagamit sa pagre-redraw sa kanilang mga hangganan ng lehislatibong distrito ng kongreso at estado (states).
Kabilang sa parehong format ang mga paksa gaya ng 2020 na mga bilang ng populasyon ng Sesnso ayon sa data ng lahi, Hispanic na pinagmulan, edad ng pagboto at unit ng pabahay para sa mga bansa, lugar, pagsubaybay ng senso at block.
“Ikinagagalak naming maibigay ang mga data na ito sa publiko sa isang format na mas madaling gamitin,” sabi ng pansamantalang Direkto ng Kawanihan ng Senso na si Ron Jarmin.
Maa-access na ng mga user ng data ang data ng muling pagdistrio na may demograpikong impormasyon para sa mga lungsod (cities) at bayan nang hindi dina-download ang mga file ng Protocol sa Paglilipat ng File (FTP, ayon sa akronimang Ingles).
Nananatiling pinaghalong malalaki lungsod (cities) at maliliit na lungsod (cities) ang komposisyon ng bansa. 4.1% (787) lang ng lahat ng lungsod (cities) ng U.S ang may populasyon na 50,000 o higit pa noong 2020. Sa kabilang banda, sa 19,320 lungsod (cities) sa Estados Unidos na isinama noong 2010 at 2020, mga 75.5% (14,591) ang may wala pang 5,000 tao noong Abril 1, 2020.
Sa pangkalahatan, ang mga lungsod (cities) noong 2020 na may mga populasyon na 50,000 o higit pa ay lumago nang mas mabilis sa Timog kaysa sa iba pang rehiyon. Mula noong 2010 na Senso, tumaas nang 12.3% ang populasyong naninirahan sa malalaking lungsod (cities) sa Timog. Kung paghahambingin, tumaas nang 10.4% ang populasyon naninirahan sa malalaking lungsod (cities) sa Kanluran, habang tumaas nang 6.8% sa Hilagang Silangan at 4.8% sa Gitnang Kanluran.
Sa average, ang populasyong naninirahan sa maliliit na lungsod (cities) —iyong may wala pang 5,000 tao noong 2020 — ay may mas mabagal o negatibong pagtaas mula 2010 hangang 2020:
Ang mga lungsod (cities) na isinama noong 2010 at 2020 na may 2020 na populasyon na 50,000 o higit pa at mayroong 129.2 milyong tao sa 331.4 milyon ng bansa. Sa lahat ng taong naninirahan sa mga isinamang lugar, 62.2% ang naninirahan sa malalaking lungsod (cities) na ito.
Ito ang unang paglabas ng data ng 2020 na Senso na available sa platform ng pamamahagi ng data ng Kawanihan ng Senso, data.census.gov (sa Ingles lamang). Binibigyang-daan ng site ang mga user ng data na maghanap ng mga geography hanggang sa antas ng block at mag-access ng data sa pamamagitan ng mga table, mapa, at download. Magagawa rin ng mga user ng data na mag-access ng geography, gaya ng estado (states), county o lugar, sa isang geographic na profile nang may mga visualization at infographics na nagbibigay ng overview sa isang partikular na lugar.
Kabilang sa mga feature ng data.census.gov ang:
Available ang mga instructional na video sa pag-access sa 2020 na data sa muling pagdistrito ng Senso sa page ng mga resource ng data.census.gov (sa Ingles lamang) at naglalaman ito ng mga video sa pag-access sa mga bilang ng populasyon, block ng senso, pagmamapa ng mga heograpiya, pag-customize sa table na view, at paghahambing sa 2020 at 2010 na data ng senso. Ang mga karagdagang tutorial at materyal sa kung paano mag-access ng data sa data.census.gov, kabilang ang isang webinar na nakaiskedyul sa Set. 21 (sa Ingles lamang), ay available sa Census Academy (sa Ingles lamang).
Available ang karagdagang impormasyon tungkol sa Programa ng Data sa Muling Pagdistrito, kabilang ang mga visualization ng data para sa bansa, estado (states), county at metropolitan/micropolitan statistical na lugar sa Press Kit ng 2020 na Mga File ng Muling Pagdistrito ng Senso (sa Ingles lamang). May higit pang impormasyon sa programa ng data sa muling pagdistrito na available sa webpage ng Mga File ng Buod ng Data sa Muling Pagdistrito ng Pampublikong Batas ng 2020 na Senso (P.L., ayon sa akronimang Ingles) 94-171 (sa Ingles lamang).
###