U.S. flag

An official website of the United States government

Skip Header


For Immediate Release: Monday, April 26, 2021

Mga Resulta ng Pagbabahagi ng 2020 Senso Inihatid sa Pangulo

Press Release Number CB21-CN.30 Tagalog

ABRIL 26, 2021 – Inanunsyo ngayong araw ng Kawanihan ng Senso ng U.S. na ipinapakita sa 2020 Senso na ang populasyon ng mga naninirahan sa Estados Unidos noong Abril 1, 2020 ay 331,449,281.

Ang populasyon ng mga naninirahan sa U.S. ay kumakatawan sa kabuuang bilang ng taong naninirahan sa 50 estado (state) at District of Columbia. Ang populasyon ng naninirahan ay tumaas ng ng 22,703,743 o 7.4% mula sa 308,745,538 noong 2010.

“Ang publikong Amerikano ay nararapat sa isang malaking pasasalamat para sa lubos na pagtugon nito sa 2020 Senso,” wika ni Kalihim ng Komersyo na si Gina Raimondo. “Sa kabila ng maraming hamon, nakumpleto ng ating bansa ang senso para sa ika-24 na pagkakataon. Ang pagkilos na ito ay mahalaga sa ating demokrasya at pagpapahayag ng ating paglago at katatagan. Nais ko ring pasalamatan ang pangkat sa Kawanihan ng Senso ng U.S., na nalampasan ang wala pang katulad na mga hamon sa pagkolekta at paglikha ng may mataas na kalidad na data na magpapabatid sa pagpapasya para sa mga taong darating.”

"Ipinagmamalaki naming ilabas ang mga unang resultang ito mula sa 2020 Senso ngayong araw. Ang mga resultang ito ay sumasalamin sa walang-pagod na dedikasyon mula sa buong pangkat ng Kawanihan ng Senso na lumikha ng pinakamataas na kalidad na estadistika na patuloy na magbibigay-hugis sa kinabukasan ng ating bansa,” wika ng tumatayong Direktor ng Kawanihan ng Senso na si Ron Jarmin. “At sa unang pagkakataon para sa Kawanihan ng Senso, ilalabas namin ang metriks sa kalidad ng data sa parehong araw na gagawin naming makikita ng publiko ang bilang ng populasyon ng mga naninirahan. May tiwala kami na ang mga resulta ng 2020 Senso sa araw na ito ay tutugon sa aming mga pamantayan sa mataas na kalidad ng data.”

Ang bagong estadistika ng populasyon ng mga naninirahan para sa Estados Unidos, ang bawat isa sa 50 estado (state), ang District of Columbia at Puerto Rico ay makikita sa census.gov.

  • Ang pinakamataong estado (state) ay ang California (39,538,223); ang may pinakamaliit na populasyon, ay ang Wyoming (576,851).
  • Ang estado (state) na nakakuha ng pinakamalaking bilang simula noong 2010 Senso ay Texas (tumaas ng 3,999,944 na may populasyong 29,145,505).
  • Ang pinakamabilis na lumagong estado (state) simula noong 2010 Senso ay Utah (tumaas ng 18.4% na may populasyong 3,271,616).
  • Ang populasyon ng mga naninirahan sa Puerto Rico ay 3,285,874, bumaba ng 11.8 % mula 3,725,789 sa 2010 Senso.

Bukod sa mga bagong inilabas na estadistikang ito, inihatid ngayong araw ni Kalihim Raimondo kay Pangulong Biden ang bilang ng populasyon sa gagamitin para sa pagbabahagi ng mga puwesto sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng U.S. Alinsunod sa Titulo 2 ng Kodigo ng U.S., isang pormulang inilalarawan nang ayon sa kongreso ay iaangkop sa pagbabahagi ng populasyon upang hatiin ang 435 puwesto sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng U.S. sa mga estado (state).

Ang pagbabahagi ng populasyon ay binubuo ng populasyon ng mga naninirahan sa 50 estado (state), pati ang mga nasa ibayong dagat na militar at pederal na sibilyan na empleyado at kanilang mga dumedepende na kasama nilang naninirahan sa ibayong dagat na maaaring italaga sa pinagmulang estado (state). Hindi kasama sa pagbabahagi ng populasyon ang mga populasyon ng Distrito ng Columbia at Puerto Rico dahil walang puwesto sa pagboto ang mga ito sa Kongreso. Ang bilang ng mga pederal na empleyado (at kanilang mga dumedepende) sa ibayong dagat ay gagamitin para lamang sa mga layunin ng pagbabahagi.

  • Pagkatapos ng 1790 Senso, kumatawan ang bawat miyembro ng Kapulungan sa humigit-kumulang 34,000 naninirahan. Simula noon, ang Kapulungan ay dumami nang apat na beses (mula 105 hanggang 435 puwesto), at ang bawat miyembro ay karaniwang kakatawan sa 761,169 na mamamayan batay sa 2020 Senso.
  • Ang Texas ay makakakuha ng dalawang puwesto sa Kapulungan ng mga Kinatawan, ang bawat isa sa limang estado (state) ay makakakuha ng isang puwesto (Colorado, Florida, Montana, North Carolina, at Oregon), ang bawat isa sa pitong estado (state) ay mawawalan ng isang puwesto each (California, Illinois, Michigan, New York, Ohio, Pennsylvania, at West Virginia), at ang bilang ng mga puwesto sa mga natitirang estado (state) ay hindi magbabago batay sa 2020 Senso.

Sa pagtanggap ng bilang ng pagbabahagi, ipapadala ng pangulo ang mga ito sa ika-117 Kongreso. Ang muling naibahaging Kongreso ay magiging ika-118, na magpupulong-pulong sa Enero 2023.

“Hindi nagtatapos dito ang aming gawain,” dagdag ni tumatayong Direktor Jarmin. “Ngayong naihatid na ang bilang ng pagbabahagi, sisimulan namin ang mga karagdagang aktibidad na kailangan upang likhain at ihatid ang data ng muling pag-distrito na dating naantala dahil sa COVID-19.”

Kabilang sa data ng muling pag-distrito ang bilang sa lokal na lugar na kailangan ng mga estado (state) upang muling iguhit o "muling idistrito" ang mga lehislatibong hangganan. Dahil sa mga pagbabago sa mga aktibidad ng pagpoproseso, mga pagkaantala sa mga pagkolekta ng data dahil sa COVID-19, at obligasyon ng Kawanihan ng Senso na magbigay ng mataas na kalidad na data, inaasahang matatanggap ng mga estado (state) ang data sa muling pag-distrito ng hindi lalampas ng Agosto 16, at ang buong data sa muling pag-distrito na may mga toolkit para sa madaling paggamit ay ihahatid bago lumampas ang Setyembre 30. Aabisuhan ng Kawanihan ng Senso ang publiko bago ang paglalabas ng data.

###

Contact


Virginia Hyer
Opisina ng Pampublikong Impormasyon
301-763-3030
pio@census.gov

 

Page Last Revised - October 8, 2021
Is this page helpful?
Thumbs Up Image Yes Thumbs Down Image No
NO THANKS
255 characters maximum 255 characters maximum reached
Thank you for your feedback.
Comments or suggestions?

Top

Back to Header