AGOSTO 3, 2020 — Patuloy na pinag-aaralan ng Kawanihan ng Senso ng U.S. ang mga plano ng operasyon nito sa pagkolekta at pagproseso ng data ng 2020 Senso. Ngayong araw, inaanunsyo namin ang mga update sa aming planong kabibilangan ng mga gawad sa tagapanayam (enumerator) at pagkuha ng marami pang empleyado upang mapabilis ang pagkumpleto sa pagkolekta ng data at pagbabahagi ng mga bilang bago lumampas ang itinakdang huling araw na naaayon sa batas sa Disyembre 31, 2020, gaya ng iniaatas ng batas at iniuutos ng Kalihim ng Komersyo. Ang bagong plano ng Kawanihan ng Senso ay sumasalamin sa aming nagpapatuloy na dedikasyon sa pagsasagawa ng kumpletong bilang, pagkakaloob ng wastong data ng pagbabahagi, at pagprotekta sa kalusugan at kaligtasan ng publiko at ng aming mga empleyado.
Patuloy ang Kawanihan ng Senso sa gawain nito sa pagtugon sa mga iniaatas ng Ehekutibong Utos 13,880 na inilabas noong Hulyo 11, 2019 at ng Memorandum ng Pangulo na inilabas noong Hulyo July 21, 2020. Isang pangkat ng mga eksperto ang pinag-aaralan ang mga pamamaraan at opsyong gagamitin para sa layuning ito. Patuloy ang pagkolekta at paggamit ng nauukol na administratibong data.
Dedikado kami sa isang kumpleto at wastong 2020 Senso. Hanggang sa kasalukuyan, 93 milyong sambahayan, halos 63 porsyento ng lahat ng sambahayan sa Bansa, ang tumugon sa 2020 Senso. Sa pagpapatuloy mula sa aming matagumpay at makabagong opsyon ng pagsagot sa internet, ang mga dedikadong kababaihan at kalalakihan ng Kawanihan ng Senso, kabilang ang aming pansamantalang empleyadong ipapadala sa mga komunidad sa buong bansa sa mga darating na linggo, ay magtatrabaho nang mabuti upang maisakatuparan ang wastong bilang.
Nagpapasalamat kami sa suporta ng aming daan-daang libong kasosyong nakabase sa komunidad, negosyo, estado (state), lokal at tribo para sa mga pagsusumikap na ito sa ating Bansa. Ang 2020 Senso ay para sa ating lahat. Kung may kilala kang hindi pa sumasagot, mangyaring hikayatin siyang gawin ito ngayong araw online sa 2020census.gov, sa telepono, o sa pamamagitan ng koreo.
###