U.S. flag

An official website of the United States government

Skip Header


For Immediate Release: Friday, August 02, 2019

Mga Tagline at Logo ng 2020 Senso, Magagamit na Ngayon para sa 12 Wikang Hindi Ingles

Press Release Number CB19-CN.06 (Tagalog)

Agosto 2, 2019 - Natapos na ng Kawanihan ng Senso ng U.S. ang paglalabas ng plataporma (tagline at logo) ng 2020 Senso nito para sa 12 wikang dagdag sa Ingles. Isinasama ang platapormang “Bigyang hugis ang inyong kinabukasan. MAGSIMULA DITO.” (“Shape your future. START HERE.”) sa mga materyales para sa pagbibigay-alam tungkol sa pagbibigay ng serbisyo at pakikipagsosyo ng Kawanihan ng Senso at mas makikita ito sa sandaling mailunsad ang kampanya sa pag-aanunsiyo ng 2020 Senso sa Enero 2020. Makakatulong ang malikhaing plataporma sa paggabay sa mga pagsisikap sa pagbibigay ng serbisyo na pinlano ng mga estado, lokal na komunidad at organisasyong hindi pangkalakal.

Ginawa ang mga bagong logo at tagline sa mga sumusunod na wika: Espanyol, Tsino, Vietnamese, Koreano, Ruso, Arabo, Tagalog, Polish, Pranses, Haitian Creole, Portuguese at Hapon. Tumutugma ang 12 wikang ito sa mga wikang Hindi Ingles na suportado sa mga opsiyon ng pagtugon sa telepono at internet para sa 2020 Senso. Sinasaklaw ng Ingles at ng 12 wikang ito ang 99% ng lahat ng sambahayan sa bansa.

“Nagsagawa kami ng wala pang katulad na malawak na pananaliksik para tulungan kaming matuto nang higit pa tungkol sa mga potensiyal na balakid, saloobin at pampahikayat na mayroon ang iba’t ibang komunidad na may magkakaibang kultura tungkol sa paglahok sa parating na senso,” sabi ng Direktor ng Kawanihan ng Senso na si Dr. Steven Dillingham. “Ang platapormang ‘Bigyang hugis ang inyong kinabukasan. MAGSIMULA DITO.” (‘Shape your future. START HERE.’) ay nagmula sa pananaliksik na iyon at ngayon ay iniaangkop para tulungan kaming maabot ang mga sambahayan na may limitadong kasanayan sa wikang Ingles tungkol sa kahalagahan ng 2020 Senso. Isa itong kritikal na bahagi ng aming pagsisikap para magtamo ng kumpleto at tumpak na pagbilang sa bawat komunidad sa buong bansa.”

Habang idinaraos ang mga aktibidad para sa promosyon at pagbibigay ng serbisyo sa buong bansa bago ang 2020 Senso — mula sa pagbuo ng mga pang-estado at lokal na komite ng kumpletong pagbilang, hanggang sa pagsasama-sama ng iba-ibang kapareha para mabawasan ang hindi kumpletong pagbilang sa mga bata at iba pang mga mahirap bilangin na populasyon ayon sa kasaysayan — ginagawang available ng Kawanihan ng Senso ang platapormang ito para sa lahat, at nagtutulong-tulong para gumawa ng mga mensaheng sumasalamin sa mga tagasubaybay na hindi Ingles ang pangunahing wikang sinasalita.

Inangkop ng Kawanihan ng Senso at kontratista para sa mga komunikasyon na Young & Rubicam (Team Y&R) ang konseptong “Bigyang hugis ang inyong kinabukasan. MAGSIMULA DITO.” (“Shape your future. START HERE.”) sa 12 wikang hindi Ingles (pati na rin sa mga komunidad na American Indian at Katutubo ng Alaska). Habang nakikipagtulungan sa mga ahensiya ng pag-aanunsiyo na may magkakaibang kultura ng Team Y&R, sinubok ang paghalaw ng tagline sa iba-ibang focus group (pangkat para sa nakatuong diskusyon) sa buong bansa. Ang tagline ay hindi isang tuwirang salin, ngunit isang paghalaw ng konsepto na angkop sa kultura, napapanahon at makabuluhan sa mga wikang hindi Ingles.

Sinabi ni Tim Wang, tagapagtatag at prinsipal ng kapareha sa mga tagasubaybay na Asian American na TDW+Co na, “Naniniwala kami na sa pamamagitan ng 2020 Senso, may pagkakataon ang mga komunidad na Asian American para gumanap ng isang aktibong papel sa paghubog ng kinabukasan sa pamamagitan ng pagiging kasama sa bilang, at papaalalahanan sila ng platapormang ito ng pagkakataong iyon.”

Ito ay ang ikatlong decennial census na nagsama ng isang nakatuong operasyon para sa pag-aanunsiyo at mga komunikasyon. Sa 2000 at 2010 Senso, gumamit din ang Kawanihan ng Senso ng pag-aanunsiyo, pakikipagsosyo at mga kampanya sa mga komunikasyon para mapataas ang kamalayan sa paglahok sa pagbilang. Pinapataas ng mas mataas na rate ng sariling pagtugon ang katumpakan ng senso at nakakatipid ng salapi mula sa buwis sa pamamagitan ng pagpapababa sa mga ginagastos sa pag-follow-up para sa mga di-tumutugong sambahayan.

Ipinag-uutos ng Konstitusyon ng U.S. na isagawa ang senso ng populasyon bawat 10 taon para sa layunin ng muling pagbabahagi ng mga puwesto sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng U.S. Ginagamit din ang data ng senso para matukoy kung paano ibinabahagi taon-taon ang higit sa $675 bilyon na pederal na pondo sa mga estado at lokal na komunidad para sa mga serbisyo at impraestruktura, kabilang ang pangangalagang pangkalusugan, mga trabaho, paaralan, kalsada at negosyo.

###

Contact


Tanggapan ng Pampublikong Impormasyon
301-763-3030
pio@census.gov

Page Last Revised - October 28, 2021
Is this page helpful?
Thumbs Up Image Yes Thumbs Down Image No
NO THANKS
255 characters maximum 255 characters maximum reached
Thank you for your feedback.
Comments or suggestions?

Top

Back to Header