U.S. flag

An official website of the United States government

Skip Header


For Immediate Release: Tuesday, May 31, 2022

Kawanihan ng Senso Nakatakdang Ilunsad ang Operasyong Pagrerepaso sa mga Grupong Tirahan Pagkatapos ng 2020 Senso

Press Release Number: CB22-CN.09 Tagalog

Sinimulan ng Kawanihan ng Senso na Makipag-ugnayan sa mga Yunit na Panggobyerno Tungkol sa Pagrepaso ng Bilang sa 2020 Senso sa mga Pasilidad ng Grupong Tirahan gaya ng mga Pabahay ng Estudyante sa Kolehiyo/Unibersidad at mga Bilangguan.

MAYO 31, 2022 — Sinimulan ngayong araw ng Kawanihan ng Senso ng U.S. ang pagpapadala ng tinatayang 40,000 nararapat na yunit na panggobyerno sa mga antas na pantribo, pang-estado at lokal tungkol sa paglahok sa operasyong Pagrerepaso sa mga Grupong Tirahan Pagkatapos ng 2020 Senso (PCGQR, ayon sa akronimang Ingles). Ang 2020 PCGQR ay isang bago, pang-isang beses na operasyong nilikha bilang pagtugon sa feedback ng publiko na natanggap sa operasyong Resolusyon sa Tanong sa Bilang tungkol sa pagbilang ng mga populasyon sa mga grupong tirahan sa mga wala pang katulad na hamon na hatid ng COVID-19.

Ang 2020 PCGQR ay nagbibigay sa mga yunit na panggobyerno o kanilang mga kinatawan ng pagkakataong hilingin sa Kawanihan ng Senso na repasuhin ang mga bilang ng populasyon ng grupong tirahan ng 2020 Senso para sa mga pasilidad ng grupong tirahan sa mga block na pinaniniwalaan nilang hindi lubusang nabilang. Kabilang sa mga grupong tirahan ang mga lugar na gaya ng pabahay sa mga estudyante ng kolehiyo/unibersidad, residensiyal na sentro ng paggamot, pasilidad ng nursing/skilled-nursing, group home, bilangguan, at grupong tirahan ng mga manggagawa, at mga job corps center. Ang mga lokasyong nakabatay sa serbisyo gaya ng mga soup kitchen, van na tagapaglaan ng pagkain sa mga taong walang tirahan (mobile food van) at mga masisilungan ng mga biktima ng karahasan sa tirahan (domestic violence shelter) ay hindi isinama sa operasyong 2020 PCQGR.

Ang mga gobyernong humiling ng pagrerepaso sa mga bilang ng populasyon ng grupong tirahan para sa pasilidad ng grupong tirahan sa loob ng partikular na block ay maaaring isumite ang kanilang mga kaso simula Enero 6, 2022, hanggang Hunyo 30, 2023, sa pamamagitan ng Secure Web Incoming Module (SWIM, ayon sa akronimang Ingles). Pinaplano ng Kawanihan ng Senso na irepaso at sumagot sa bawat nauukol na kaso sa loob ng 90 araw ng pagsusumite. Makikita ang mga tagubilin sa kung paano magsusumite sa webpage ng 2020 PCGQR.

Ang mga kahilingan para sa 2020 PCGQR ay kailangang maging naaayon sa mga pamantayan sa paninirahan at mga sitwasyon ng paninirahan ng 2020 Senso na ginamit upang mapagpasyahan kung saan bibilangin ang mga tao para sa 2020 Senso o gabay na inilabas ng Kawanihan ng Senso bilang pagtugon sa mga pagkaantala ng operasyon dahil sa COVID-19. Kokolektahin ng 2020 PCGQR ang bagong data ngunit hindi babaguhin ang mga resulta ng pagbabahagi o muling pag-distrito ng 2020 Senso o iba pang mga produkto ng data ng 2020 Senso. Ang mga pagtatamang ginawa bilang resulta ng pananaliksik ng 2020 PCGQR ay isasama sa Programa ng mga Tantiya ng Populasyon (Population Estimates Program) ng Kawanihan ng Senso. Ang mga tantiyang binuo mula sa ini-update na base ng populasyon ay gagamitin din ng Pagsisiyasat ng Komunidad ng Amerikano (American Community Survey) at ng Pagsisiyasat ng Komunidad ng Puerto Rico (Puerto Rico Community Survey).

Ang 2020 PCGQR ay hiwalay sa operasyong Resolusyon sa Tanong sa Bilang (CQR, ayon sa akronimang Ingles) ng 2020 Senso na nagpapahintulot sa mga pantribo, pang-estado at lokal na opisyal na humiling sa Kawanihan ng Senso na repasuhin ang kanilang mga opisyal na hangganan ng 2020 Senso at/o bilang ng pabahay para sa mga error ng pagproseso. Isinasagawa na ang Operasyong CQR simula pa noong 1990 Senso.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa operasyong 2020 PCGQR, bumisita sa press kit ng Pagrerepaso sa mga Grupong Tirahan Pagkatapos ng 2020 Senso.

###

Contact


Opisina ng Pampublikong Impormasyon
301-763-3030 or
877-861-2010 (U.S. and Canada only)
pio@census.gov

Page Last Revised - June 28, 2022
Is this page helpful?
Thumbs Up Image Yes Thumbs Down Image No
NO THANKS
255 characters maximum 255 characters maximum reached
Thank you for your feedback.
Comments or suggestions?

Top

Back to Header